Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus test result obligado pa rin sa Navotas

0 41

Kinakailangan pa rin ang RT-PCR test para sa mga nasa labas ng ‘NCR Plus’ bubble na gustong makapasok sa Navotas City.

Sabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, maglalabas ang kanilang lokal na pamahalaan ng guidelines para sa patakaran, kung saan isa sa mga kondisyon na mapapaloob ay ang negatibong resulta ng RT-PCR COVID-19 test.

Nilinaw ng alkalde na libre ang swab test sa kanilang lungsod, at maaari nang kumuha roon ng test result kung may bayad ito sa lugar na panggagalingan ng manlalakbay.

SM food to go Banner Ad

Samantala, pinag-aaralan pa rin ng Navo­tas LGU kung papayagan na bang pumasok sa kanilang lugar ang mga fully vaccinated na bi­yahero.

Matatandaang pinal na inanunsyo ng IATF na nasa LGU na ang desisyon kung gagawin pa ring requirement ang negatibong test result, taliwas sa nauna nilang anunsiyo na hindi na ito kailangan. (Aliah Icatlo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.