Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus test sa laway 99% epektib – PH Red Cross

0 60

Kinumpirma ng Philippine Red Cross (PRC) na 99% ang detection rate ng COVID-19 test sa pamamagitan ng laway sa Estados Unidos.

Ayon kay dating Health Secretary Paulyn Ubial, kasalukuyang namumuno sa PRC biomolecular laboratory, hinihintay pa nila ang pag-apruba ng Health Technology Assessment Council ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng laway para sa COVID-19 test sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“Mas mura ang saliva [test], mas simpleng gawin. In the University of Illinois, naka-1 million saliva test na sila at 99 percent ang detection or concordance rate nila,” pahayag ni Ubial sa panayam sa radyo nitong Linggo.

Samantala, sinabi ni Ubial na magpapatuloy pa rin ang PRC sa COVID-19 testing kahit ilunsad na ang pagbabakuna ng gobyerno kontra coronavirus.

Aniya, hindi pa naman mababakunahan agad lahat kaya tuloy-tuloy pa rin ang kanilang COVID-19 testing. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.