Abante Tonite Interactive

Visa kinansela dahil sa paglabag sa human rights Bato bawal tumapak sa US

6,115

Si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang kauna-unahang opisyal ng bansa na na-sanction ng diumano United States dahil sa paglabag sa human rights o karapatang pantao.

Sa impormasyong nakarating sa Abante Tonite, ang nasabing kanselasyon ay naging epektibo noong Mayo 2019.

Bahagi umano ito ng kapapasa pa lang na ARIA Law sa US o Asia Reassurance Initative Act na nagbibigay ng $1.5 bilyon security assistance taon-taon sa mga kaalyado ng US sa Indo-pacific region para i-promote ang kahalagahan ng democracy, human rights at rule of law.

Ang ARIA Law ay nagpapataw din ng sanction, kabilang ang targeted financial pe­nalties at visa ban sa mga indibidwal o entity na lumalabag sa karapatang pantao.

Nakasaad pa sa ARIA Law ng US na walang inilaang halaga para sa counternarcotic assistance para sa Philippine National Police (PNP) maliban na lang kung i-determina at i-report ng Secretary of State sa kaukulang committee ng Congress na ang pamahalaan ng Pilipinas ay nag-adopt at nagpapatutupad ng counternarcotic stra­tegy na consistent umano sa internal human rights standard, kailangan ang pag-imbestiga at pag-prosecutute sa mga indibidwal na diumano nag-utos, nag-commit, o nag-cover up sa extrajudicial killing at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa pagsagawa ng counternarcotic operations.

Noong Disyembre 11, inaprubahan ng US Senate foreign relations committee ang isang resolusyon (No. 142) na nagsa-sanction sa mga opisyal ng bansa at security forces na sangkot sa diumano sa extrajudicial killings sa bansa gayundin ang mga responsible sa pag-orchestrate ng pag-aresto at pagkulong kay Senador Leila de Lima.

Nauna nang nagpasalamat si De Lima sa US Senate Foreign Relations Committee dahil sa pag-apruba ng isang bipartisan resolution na nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na palayain siya mula sa iligal na pagkakakulong at iurong ang lahat ng kasong inihain laban sa kanya.

“I’ve always believed that standing strong for one’s convictions and fighting always for what is true and just, for human rights and humanity have many friends around the globe,” sabi ni De Lima sa isang statement noong Huwebes.

“Thank you US Senate Foreign Relations Committee for S. Res. 142,” dagdag nito.

Samantala, nang kunan ng reaksyon si Senador Dela Rosa, sinabi nito na: “No official communication from US authorities yet.” (Dindo Matining)