Abante Tonite Interactive

Visa ni Bato kanselado na

509

Malungkot at ­masama ang loob ni ­Senador ­Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa United States ­matapos makumpirma nitong ­kanselado na ang ­kanyang visa.

“I sent official ­letter to the US Embassy ­inquiring from them, if really my visa was cancelled. I ­received the official ­answer, the day before my birthday, January 20. Good birthday gift. They ­inform me that my visa is no ­longer valid for travel to US,” sabi ni Dela Rosa.

Wala umanong ­nakasaad sa sulat kung ­kailan kinansela ang kanyang visa at hindi rin sinabi ang dahiln pero maaari naman siyang mag-apply ng panibago.
“No date given. ­Basta mag-apply lang daw ako uli ko kasi the present visa was cancelled,” ani Dela Rosa.

Pero hinala nito, may kinalaman sa isyu ng ­extrajudicial killings ang rason ng pagkansela sa kanyang US visa.

“Most likely [EJK’ pero wala naman sinabing ­reason,” ani Bato kasabay ng pagsasabing magpapadala uli siya ng sulat sa US Embassy para alamin kung ano ba ang naging dahilan ng kanselasyon ng kanyang visa.

Sa Abante Tonite at online news site ­Politiko (politics.com.ph) ­unang lumabas ang balita ­hinggil sa pag-sanction ng US kay Dela Rosa dahil sa paglabag umano nito sa karapatang pantao.

Ang nasabing kanselasyon ng US visa ni Dela Rosa ay naging epektibo noong Mayo 2019.

Bahagi umano ito ng kapapasa pa lamang na ARIA Law sa US o Asia Reassurance Initiative Act na nagbibigay ng $1.5 bil­yong security assistance kada taon sa mga kaal­yado ng Amerika sa Indo-­pacific region para ­isulong ang kahalagahan ng demokrasya, karapatang pantao, at pangingi­babaw ng batas.

Nagpapataw din ng sanction ang ARIA Law, kabilang ang ­targeted ­financial pe­nalty at visa ban sa mga ­indibidwal o institusyon na ­lumalabag sa karapatang pantao. (Dindo Matining)