Abante Tonite Interactive

Visayas, Mindanao ‘di kailangang i-lockdown

796

Hindi pa nakikita ng gobyerno ang pangangailangang magdeklara ng enhanced community quarantine sa Visayas at Mindanao.

Inihayag ito ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles sa regular briefing ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Nograles natalakay sa pulong ng IATF ang sitwasyon sa Visayas at Mindanao subalit wala aniyang nakikitang indikasyon para magpatupad ng ECQ.

Gayunman, sinabi ng kalihim na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng kontaminasyon ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao.

“Right now wala pang need, napag-usapan namin yan. There’s no need for an enhanced community quarantine sa Visayas and Mindanao pero tuloy-tuloy po ang pagmonitor sa number at kung saang mga probinsiya ang mayroong mga kaso ng COVID-19,” ani Nograles.

Ang mga eksperto aniya ang magbibigay ng report sa IATF batay sa kanilang mga obserbasyon sa bawat rehiyon sa bansa.

” We will have to monitor it, day by day, week by week. Kaya yung ating epidemiologists and experts will report every Monday sa IATF batay sa nakikita nila per region,” dagdag ni Nograles.

Kapag aniya nakitang may pagtaas sa COVID-19 cases, saka pa lamang magpapasya si Pangulong Rodrigo Duterter kung dapat na bang magdeklara ng EQC sa mga nabanggit na rehiyon.

“But pag may nakita tayong very alarming, then the President will come in. Magre-react tayo as the situation warrants,”wika pa ni Nograles

Tonite – Wendys Inhouse Ad