Abante Tonite Interactive

Visita Iglesia puwedeng online

297

Kahit naka-home quarantine dahil sa coronavirus disease, maaari pa ring isagawa ang tradisyunal na `Visita Iglesia’ ng mga Katoliko ngayong Mahal na Araw.

Puwedeng bumisita sa mga simbahan ang mga deboto sa pamamagitan nang pagtungo sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) website sa: cbcpnews.net/visitaiglesia/visita-iglesia-in-360/ para maranasan ang virtual “Visita Iglesia in 360”.

Makikita sa online portal ang 14 na iba’t ibang simbahan sa bansa na gustong bisitahin sa Station of the Cross.

Kabilang sa simbahang ito ang Sto. Nino Church sa Anda, Bohol; Church of St. James the Apostle sa Betis, Pampanga; St. Joseph Cathedral sa Butuan City, Butuan; St. James the Great Parish sa Dapitan City, Zamboanga del Norte; Palo Metropolitan Cathedral sa Palo, Leyte at Nuestra Señora dela Asuncion sa Maragondon, Cavite.

Maaari ring bumisita sa Google Maps, i-type lamang ang gustong destinasyon o simbahan na nais bisitahin.

Ang online Visita Iglesia ay siyam na taon nang ginagamit para sa mga land-based at sea-based overseas Filipino workers

Tonite – Wendys Inhouse Ad