Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VisMin Cup: JPS walastik

0 75

SOLID ang opensa ng JPS Zamboanga City, humarurot sa 89-53 panalo laban sa Kapatagan Biyernes ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ratsada agad ang JPS sa 24-8 bentahe sa first quarter at matikas na nabusalan ang bawat pagtatangka ng Buffalo Braves na makabawi sa laban para masungkit ang panalo sa kauna-unahang pro league sa South.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I told my players at halftime that the game is four quarters, 40 minutes. Naging complacent sila eh, now you have to show and come back like what you did in the first quarter,” kuwento ni JPS head coach Tony Pardo.

Pinalobo ng Zamboanga ang bentahe sa 64-39 mula sa matikas na 11-1 run tungo sa final period. (Abante Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.