Abante Tonite Interactive

Viva walang plano na pagsamahin ang JaDine

0 506

Patuloy na umaasa ang mga fan nina James Reid at Nadine Lustre na sana’y muling magtambal ang dalawa sa isang pelikula, TV series at maging sa concert. Pero sa ngayon ay nananatili itong question mark dahil wala na sa bakuran ng Viva si James.

Si Nadine ay naiwan sa bakuran ng Viva. Wala sa immediate plans ng kompanya ang muling pagsasama ng magka-love team at magkasintahan sa totoong buhay.

Dapat sana’y may magkahiwalay na solo projects sa Viva sina James at Nadine pero pareho silang umatras sa proyekto. Si James dapat ang bida ng bagong remake ng “Penduko” pero ito’y kanyang inayawan kaya napunta kay Matteo Guidicelli. Umatras din si Nadine sa local remake ng Korean hit movie na “Miracle In Cell No. 7” na pagtatambalan sana nila ni Aga Muhlach kaya napunta ito kay Bela Padilla.

May suspetsa kami na hihintayin lamang ni Nadine na mag-expire ang kanyang kontrata with Viva at susunod din ito sa kanyang nobyong si James.

***

King of Talk Boy Abunda is devastated sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina na si Gng. Glicerna Capito Romerica Abunda. Isang buwang short sa kanyang 91st birthday on January 1, 2020.

Si Nanay Lesing ang naging gabay ng magkapatid na Fe at Boy hanggang sa kanilang paglaki. And being the youngest sa dalawang magkapatid, naging super close si Boy sa kanyang ina up to the very end.

Ang burol ni Nanay Lesing (already cremated) ay nakalagak ngayon sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.