Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vivian pinatigil sa pambabae si Luis

0 2,111

Nakarating na rin kay Vivian Velez ang engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola kahapon.

Matatandaang ang veteran actress ang unang nagbunyag na nagbabalak nang magpakasal ang showbiz couple few months ago.

Ayon sa post ni VV last July, second cousin niya ang mom ni Jessy na si Didith which means dito niya nakuha ang impormasyon ng wedding plans ng aktres at ng boyfriend.

Sa virtual interview ni Vivian sa entertainment press kahapon, nagpahayag din ng katuwaan ang aktres na finally ay engaged na nga sina Jessy and Luis dahil aniya, nakakuha pa siya ng bashers nang mag-post siya noon at sinabihan siyang ano raw ang pakialam niya at bakit niya raw inuunahan ang dalawa.

“Hindi ko naman sila inuunahan, sinasabi na naman nila ‘yan, may balak na sila talaga,” ani Vivian.

“That is nice, that is good,” sey niya about the engagement pero may kasunod pang hirit ang aktres.

“Sana lang, itong si Luis, hindi na maging babaero,” ani VV sabayhalakhak.

Alex inurot helmet ni Jessy kay Manzano

Masaya ang mga kapwa-celebrities nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa engagement ng showbiz couple na naganap sa Amanpulo kahapon.

SM food to go Banner Ad

In-announce ng showbiz couple ang engagement sa kani-kanilang Instagram account kahapon at inulan ito ng pagbati mula sa mga netizen and celebrities. Lahat sila ay masaya para sa dalawa.

“Wohoooooooo♥️♥️♥️♥️♥️ congrats pretty girl !!!” ang pagbati ni Heart Evangelista,

“So incredibly happy for you guys!!! Best wishes to you!!!” komento naman ni Iza Calzado.

“Aaaayyyaaannn na!!! Congrats!!!” reaksyon naman ni Arci Munoz.

“Ahh congrats!? And the hashtag is so good!” ani Lovi Poe.

“O loko! Ayan naaaaaaa!!! Congrats munchie!” komento ni Vice Ganda

“Congrats and mabuhay helmet ni jessy!” hirit naman ni Alex Gonzaga.

“Waaaaaaaah! Sabi ko na eh!!! Congraaaats!!!!!” komento ni Yeng Constantino.

Nag-congratulate rin sina Isabelle Daza, Jak Roberto, Anne Curtis, Vhong Navarro, Zsa Zsa Padilla, Daniel Matsunaga, Meg Imperial, Drew Arellano, Jodi Santamaria, Bianca Manalo, Liz Uy, Alexa Ilacad, Rambo Nunez na boyfriend ni Maja Salvador, Julia Montez, Andie Eigenmann, Isabelle Daza at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.