Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vivo sinibak mga empleyadong bumuo ng unyon

0 124

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sisiyasatin nito ang mga alegasyon ng “union busting” laban sa isang mobile phone company.

Ani Labor Secretary Silvestre Bello III, gusto niyang malaman kung may katotohanan ang mga pahayag ng mga dating empleyado ng Vivo Tech, Inc. na sinibak sila matapos bumuo ng unyon.

Ito ay matapos maglunsad ng protesta sa harap ng DOLE sa Intramuros ang mahigit 200 na sinibak na empleyado ng Vivo Tech.

Sa isinagawang protesta, isinumbong ng mga manggagawa ng Vivo Tech na kabuuang 689 regular na empleyado ang tinanggal ng kompanya nang walang legal na basehan.

Wala umanong katotohanan ang palusot ng kompanya na na-retrench sila dahil sa pagkalugi nito.

Samantala, nanawagan si Bello sa mga natanggal na empleyado na pormal na maghain ng reklamo sa DOLE. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.