Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vlogger inapi tricycle driver: ‘Walang mararating’

0 611

Pinalagan ng mga netizen ang isang vlogger dahil sa pahayag nito tungkol sa mga tricycle driver, na bumabalewala umano sa marangal na trabaho ng mga ito.

Nag-No. 1 trending sa Twitter Philippines kahapon ang ‘Buknoy’ dahil sa pahayag ng vlogger na kinainis ng mga netizen. Ayon dito, “Huwag na huwag kayong sumukong mangarap, kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating tulad nito,” ani Buknoy saka ipinokus ang camera sa tricycle driver sa kanyang vlog.

Inalmahan ito ng mga netizen at sinabing walang masama sa pagiging tricycle driver dahil ligal itong trabaho. Marami rin ang nagbahagi ng kanilang kwento ng tagumpay na napagtapos ng kanilang magulang na isang driver.

Sa sumunod na video ng vlogger, humingi na ito ng tawad sa kanyang naging pahayag at nangakong hindi na mauulit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.