Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vlogger sinunog pototoy sa youtube live

0 787

Iba ang trip ng isang gamer/Youtuber matapos nitong silaban ang sariling ari habang naka-live.

Sa YouTube livestream ng isang South Korean gamer, hinamon ito na sunugin ang kanyang private part ng limang segundo kapag natalo sa larong ‘Fall Guys’.

Nang hindi masungkit ang first place, agad itong naghubad kung saan shorts lamang ang kanyang suot, at nilagyan ng lighter fluid ang kanyang manoy.

SM food to go Banner Ad

Sa unang subok nito, tatlong segundo lamang ang tinagal ng apoy, ngunit kita na nasasaktan ang streamer na napalundag at napasigaw sa hapdi.

Ngunit hindi pa ito nakuntento at determinadong maabot ang five second penalty kung saan nilagyan niya ng marami pang lighter fluid ang kanyang ari at muli itong sinindihan.

Hindi pa rin umabot sa limang segundo ang apoy, ngunit hindi niya na ito inulit kung saan makikita na nasunog ang kanyang buhok sa bandang tiyan.

Sa social media, kanyang in-update ang mga follower kung saan binahagi nito na nagkaroon siya ng second-degree burn sa private part dahil sa naturang hamon. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.