Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VM Lacuna puwede masilat sa Maynila?

0 58

Usap usapan ngayon sa lungsod ng Maynila kung bakit nagkaroon ng mabigat na laban si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at ang posibilidad na ito ay masilat sa 2022 elections.

Ang mahigpit na makakakalaban ni VM Lacuna-Pangan ay ang megosyante si Atty. Alex Lopez na pumalit sa kaniyang kapatid na si Congressman Manny Lopez na minabuting muling tumakbong kongresista sa 1st district ng Maynila para sa ikatlong termino.

Kung si Mayor Isko ang tatakbong Alkalde ay walang katalo-talo ito sa Maynila subalit nagpasya ito na sumabak nga sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon kaya naman ang kaniyang bise alkalde na si Lacuna-Pangan ang sasabak sa pagka Mayor.

Una lang politiko ang mga Lacuna sa Maynila partikular ang ama nito pero mas komportable ang mga botante na iboto lang sa pagka Vice Mayor ang mga Lacuna.

Sa pagkakataong ito ay mababali Kaya ni VM honey ang persepsiyon ng mga botante sa Maynila na hanggang Vice Mayor lang sila?

Bagamat bagito pa sa politika si Atty. Alex Lopez subalit ang pamilya nito ay kilalang kilala sa Maynila na matagal ng nagserbisyo sa bayan mula noong hanggang ngayon.

Ayon sa mga nasasagap nating impormasyon ay mas makatao at makamasa si Atty. Alex at Higit sa lahat ay ang pagiging ekonomista at negosyante na maaring magamit sa pamamahala sa Maynila.

Bagsak ngayon ang negosyo at mayroong malaking utang ang Maynila na ayon kay Mayot Isko ay dahil pagtustos sa covid response .

Si VM lacuna-Pangan ay isang doctor na sakto rin naman ang kaniyang propesyon dahil may pandemya.

Pero sa panghinaharap na sitwasyon ay mas kailangan ng taungbayan ang mag aahon sa kahirapan, pagpapasigla sa kabuhayan ng mga tao.

Kaya naman ang puwedeng pagpilian ngayon ng mga taga-Maynila ay ang tutugon sa kumakalam nilang sikmura at mag-aahon sa lugmok na kahirapan at bagsak na kabuhayan na siyang puwedeng maihain ni Atty. Lopez.

O ang isang doktora sa katauhan ni VM Honey na puwden ang isulong ay ang pagpapabutiwsa covid response o matugunan ang mabisang aksiyon sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.