Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vogel laging butata!: Spoelstra bangungot sa Lakers

0 130

Bagong matchup ang matutunghayan sa 74th National basketball Association (NBA) Finals 2020 sa bakbakang Miami Heat at Los Angeles Lakers.

Ngunit isang rivalry ang matagal nang nabuo sa muling pagkukrus ng landas nina Lakers coach Frank Vogel at Heat tactician Erik Spoelstra.

Walong taon na ang nakararaan nang magkaharap ang dalawa sa Eastern Conference Finals nang coach pa si Vogel sa Indiana Pacers. At sa tatlong pagkakataon na nagsabong ang dalawa sa postseason, si Spoelstra ang palaging nananalo.

Ngayon, susubukang maputol ni Vogel ang sumpa na hatid sa kanya ng Fil-Am tactician.

“Well, we just have a familiarity with things that are important to each other on the basketball court, on-the-court culture that each was trying to set,” saad ni Vogel. “I think that will be present in this series, even though the teams are very different than where they were a few years back when we faced in the Eastern Conference finals.”

Hindi rin tinago ni Vogel ang kanyang pagkabilib kay Spoelstra, na inaming matindi niyang pinag-aralan ang coaching style noong buo pa ang Big Three ng Miami nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Maghaharap ang dalawa sa Huwebes ng alas-9:00 nang umaga, para sa Game 1 ng race-to-four win series.

Leave A Reply

Your email address will not be published.