Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Volleyball mag-eeleksiyon

0 82

Kinausap ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga stakeholder ng volleyball nitong Sabado at naglatag ng batayan para sa paglikha ng isang bagong national sports association na kikilala ng International Volleyball Federation (FIVB).

Pinangunahan ni POC President Rep. Abraham Tolentino ang mga opisyal ng organisasyon na kumausap sa volleyball officials sa Makati Shangri-La Hotel kung saan itinakda naman ang halalan sa January 25 sa East Ocean Seafoods Restaurant sa Parañaque City.

“Volleyball is already unified at last and the true winner here is Philippine volleyball,” sabi ni Tolentino.(Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.