Abante Tonite Interactive

Volleyball player ni-rape ng coach

831

PROBINSYA

Arestado sa isang entrapment operation sa isang resort sa Bay, Laguna ang isang estudyanteng coach ng school volleyball team dahil sa umano’y paulit-ulit na panghahalay sa isa niyang dalagitang player.

Ayon kay P/Col. Eleazar Matta, director ng Laguna police, magkakasamang inaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Pila Municipal Police Station ang suspek na si Jimwell de Leon, 18-anyos, grade 11 student ng CMDI Senior High School at taga-Barangay Calo, sa resort sa Brgy. Sta. Clara Norte noong Huwebes nang hapon.

Nasagip naman ng mga awtoridad ang biktimang si Jessa, 13, grade 7 student, na maraming beses na umanong pinagsasamantalahan ng suspek.

Isinagawa ang entrapment operation matapos na magsumbong si Jessa sa kanyang nanay hinggil sa ginagawa ng kanyang coach.

Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon dahil may relasyon umano sila ng dalagita at pumapayag ito sa nangyayari sa kanila.

(Ronilo Dagos)