Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vosotros, TNT muling bibida

0 81

May 14 na laro ang nakalinya sa siklab ng Leg 2 ng PBA 3×3 third conference ngayong araw na dadayo ng Robinsons Las Piñas.

Uumpisahan agad ng TNT ang paghahabol sa pangalawang sunod na leg title laban sa NorthPort.

Pinagharian noong Linggo nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Gryan Mendoza at Ping Exciminiano ang leg 1 nang kalusin ang Ginebra 18-15 sa Robinsons Magnolia.

Kasama ng Tropang Giga sa pool A ang Sista Super Sealers, Batang Pier at Terrafirma.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Pool B ang Gins, San Miguel Beer at Limitless App, Pool C ang Purefoods TJ Titans, Cavitex Braves, Pioneer Pro Tibay at Master Sardines.

Meralco, Platinum Karaoke at Zamboanga Valientes ang mga nasa Pool D.

Apat na pool play pa ang itutuloy ng Linggo ng umaga bago ang knockout phase sa hapon.

Abante sa quarterfinals ang top two teams ng bawat pool.

Laan pa rin sa leg champion ang P100K, P50K sa runner up at P30K sa third placer. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.