Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vote buying, karahasan i-post sa socmed

0 51

Nanawagan si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa mga botante na gamitin ang social media sa pagsisiwalat ng mga bilihan ng boto at karahasan kaugnay ng halalan.

“Sa isang modernong demokrasya, wala talaga dapat nakawan ng boto. Nakawin man ‘yan sa pananakot, nakawin ‘yan sa pagbibili, nakawin ‘yan sa blackmail, hindi dapat nangyayari ‘yan,” sabi ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na dapat ang manalo at ang kalooban ng mga botante.

SM food to go Banner Ad

Noong Lunes ay iniulat ng Philippine National Police (PNP) na mayroon itong naitalang hindi bababa sa 52 election violence mula Mayo 1.

Sa social media naman ay mayroon ng mga alegasyon ng bilihan ng boto.

“Gamitin po natin ang social media, at alamin ‘yung mga linya ng ating traditional media, diyaryo, radyo, at TV para talagang ma-reveal natin, mabuko natin ‘yung mga nanakot, ‘yung mga gumagamit ng pera o goons,” paghimok ni Cayetano sa mga botante. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.