Abante Tonite Interactive

Vote manipulation ng ‘Produce X 101’ sinagot ni Lee Dong Wok

273

Nagsalita na si Lee Dong Wok tungkol sa isyu ng Mnet’s “Produce X 101”. Pinagbigyan niyang sagutin ang naturang tanong sa presscon ng bago niyang talk show na “Because I Want to Talk”.

Ang “Produce X 101” ay ang search for the next boy groups of idols ng South Korea. Sa reality talent search din na ito nanggaling ang I0I, Wanna One, IZ*ONE at ang this year’s X1 .Si Lee Dong Wok ang nagsilbing host or National Representative.

‘Yun nga lang, may mga balita nang naglabasan na diumano’y nagkakaroon ng vote manipulation.

Last month, pinangalanan ang diumano’y mga sangkot sa vote manipulation controversy. Ang “Produce X 101” producing directors tulad ni Ahn Joon Young at ang isa sa agency na nagpapadala ng mga trainees nila sa show, ang Starship Entertainment’s Vice President bukod pa sa walong individuals.

It so happened na ang aktor ay under din sa kinukuwestiyon na agency, ang Starship Entertainment.

Ayon sa aktor, “I’ll answer [the question]. It’s not something I should be talking about here, but I’ll answer since you asked. Though there are several controversies and the situation isn’t favorable, I can’t stop carrying out my own work. But that doesn’t mean I’m separating myself from the show. I still contact the kids. I personally got in contact with them and shared my opinion with them as well. I won’t talk about it in detail, but I think it’s unfortunate that things turned out this way.”

Natuwa naman ang netizens na kahit matagal nang tapos ang “Produce X 101” ay may komunikasyon pa rin ito sa mga bagong idols ng X1 at posibleng nabibigyan daw ng mga payo pa rin ng aktor.

Sa isang banda, ang “Because I Want to Talk” show niya ay magsisimula nang mapanood ngayong gabi, December 4 at 10 p.m. KST. Ang co-star niya sa “Goblin” dati na si Gong Yoo ang magsisilbing first guest ng show.

Pagkamatay ni Cha In Ha misteryoso

Heto’t nagsisimula pa lamang bilang aktor pero ginulat ni Cha In Ha ang lahat nang matagpuang patay sa kanyang bahay noong December 3.

Sa ngayon, wala pa ring inilalabas na totoong cause of death ng rookie actor. Nanatiling misteryoso.

27 na si Cha In Ha. Nag-debut siya noong 2017 sa pamamagitan ng short film na “You, Deep Inside of Me”. Nakalabas na rin siya sa iba’t ibang drama kabilang na ang “Love with Flaws” with Ahn Jae Hyun at Oh Yeon Seo.