Abante Tonite Interactive

Vote shaming tigilan na! — Andanar

401

Nanawagan ang Ma­lacañang sa oposisyon na tanggapin ang pagkatalo at tigilan na ang panghihiya sa mga botanteng hindi bumoto sa kanila na tinawag na ‘bobotantes’.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na nakakalungkot isiping may ilang grupong hindi matanggap ang pagkatalo sa katatapos na eleksiyon at ang pinagbalingan ay ang mga botanteng umayaw sa kanila.

Isang malaking insulto aniya sa mga botante na tawagin silang ‘bobotantes’ at hindi ito tama.

Abante Hiring – IT dep

“We find it unfortunate that some quarters who could not accept the crushing defeat of their senatorial candidates would resort to ad hominem arguments, such as vote shaming, to stress their points. Questioning or putting doubt on the “intelligence” of the Classes D and E voters, derisively referred to as ‘bobotantes’, is simply wrong,” ani Andanar.

Hindi rin aniya tamang maliitin si dating Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na kinukuwestiyon ang kakayahang maging senador dahil taumbayan ang bumoto at pumili sa kanya para makapasok sa senado. (Aileen Taliping/Prince Golez)