Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voter registration bill inaapura sa pirma ni Digong

0 87

Inaprubahan ng Senado at Kamara sa huling pagbasa ang isang panukala na nagpapalawig ng voter registration hanggang Oktubre 31, 2021.

Sinang-ayunan ng 24 senador ang Senate Bill 2408 na naglalayong palawigin ang pagpapare­histro ng mga botante para sa 2022 national at local elections, mula Setyembre 30, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, oras na i-transmit ng Kamara ang pinagtibay na House Bill 10261, agad nila itong ia-adopt upang hindi na magkaroon ng pulong ng bicameral conference committee.

SM food to go Banner Ad

“Pagkatapos po noon ay ipapadala na po sa Malacañang ang enrolled version ng bill upang mapirmahan na po ng ating Pangulo,” paglalahad ni Zubiri.

Nauna rito, nagtalumpati si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa plenaryo kung saan ibinahagi nito ang karanasan ng mamamayan na gustong magparehistro at matapang na sinusuong ang mahabang pila na wala nang social distancing at isinaalang ang kalusugan sa gitna na pandemya.

Dati nang inaprubahan ng Senado ang resolusyon para palawigin ang regis­tration ng mga botante pero inisnab lamang ito ng Commission on Elections (Comelec). Kapag naging batas ang panukala, obligado na itong sundin ng poll body. (Dindo Matining/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.