Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voter registration hanggang Set. 30 – Comelec

0 64

Sinimulang muli kahapon (Jan. 4, 2021) ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatuloy ng pagpaparehistro ng mga botante.

Ito ay makaraang pansamantalang mahinto ng ilang araw dahil sa nakalipas na holiday season.

Ayon sa Comelec, ang voter registration para sa Bagong Taon ay hanggang Sept. 30, 2021.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay na rin ito sa gaganaping 2022 eleksyon.

Sa mga taong nais magparehistro, maaaring magtungo sa mga Comelec field office mula Lunes hanggang Huwebes, alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ngunit pinapayuhan ang publiko na mag-fill up muna sa online voter registration application form at kumuha ng appointment sa irehistro.comelec.gov.ph.

Sa araw ng appointment, huwag kalilimutan ang printed na kopya ng form, magdala ng sariling ballpen at hindi bababa sa isang valid ID para sa mga bagong registrant o transferees. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.