Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voter registration itutuloy sa Mayo 17

0 372

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na itutuloy na sa Mayo 17 ang voter registration sa National Capital Region Plus bubble.

Ito’y makaraang luwagan ni Pangulong Duterte ang quarantine status ng NCR Plus mula modified lockdown patungong general community quarantine.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Comelec, magbubukas ang voter registration tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Magugunitang sinuspinde ng Komisyon ang voter registration nang isailalim sa lockdown ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal noong Marso.

Umabot na sa 58.9 milyon ang naitala ng Comelec na rehistradong botante sa buong bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.