Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voter registration sa Comelec dinagsa

0 19

Dinagsa ng mga taong gustong makapagparehistro ang voter registration, kahapon ng umaga, sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa may Arroceros, Maynila.

Sa kabila ng nakasuot ng face shield at face mask ang mga gustong maging botante ay hindi na rin nasunod ang social distancing dahil sa dami ng mga taong pumunta sa tanggapan.

Nabatid na itinakda ng Comelec na sa Set­yembre 30 ang huling araw ng pagpapare­histro ng mga bagong botante.

Hindi na pinalawig pa ng Comelec en banc ang voter registration dahil kinakailangan na umanong maghanda para sa 2022 national election. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.