Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voter registration tuloy hanggang Okt 30

0 69

Pagkatapos pagtuunan ng atensyon ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng certificate of candidacy (COC), balik-voter registration ang komisyon simula Lunes.

Una nang pinalawig ang voter registration hanggang Oktubre 30 kasunod ng mga malawakang panawagan ng mga Pinoy gayong marami ang hindi pa nakakapagparehistro gawa ng mga COVID-19 restriction.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, lahat ng ginagawa sa regular registration ay maaaring gawin sa extension. Puwedeng magparehistro bilang first-time voter, magpa-reactivate sa mga hindi nakaboto noong 2 nakaraang halalan, at magpalipat, magpatama at magpapalit ng pangalan.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito, ipinayo ng Komisyon na upang mas mapabilis ang proseso, bago magtungo sa registration site ay i-fill out ang application form na makikita sa comelec.gov.ph o irehistro.comelec.gov.ph. Huwag din anilang kalimutang magdala ng valid ID at photocopy nito.

Iginiit ng Comelec na ito na ang huling pagpapalawig sa voter registration. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.