Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Voucher program sa Grade 11, 12 simula na

0 40

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap ng online application para sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) na naglalayong makatulong sa discounted na matrikula ng mga nasa Grade 11 at 12.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, sa pakikipagtulungan ng Private Education Assistance Committee (PEAC), tatanggap sila ng online application mula Setyembre 9 hanggang 23.

SM food to go Banner Ad

Maaaring mag-apply ang mga magtatapos ng Grade 10 mula sa pribadong eskuwelahan, mga mag-aaral na pasado sa ALS A&E Test for Grade 10 at PEPT for Grade 10 na naka-enroll na ngayong school year 2021-2022.

Makukuha ng mga qualified applicant ang kanilang voucher sa Oktubre 11. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.