Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni adik sa K-drama

0 39

Masayang ikinuwento ni Vice President Leni Robredo na tulad ng maraming Pilipino ay adik din siya sa K-drama.

Sa panayam sa isang vlog, inalala ni Robredo ang mga paborito niyang artista at mga palabas sa South Korean drama.

Kabilang sa pinapanood ni Robredo ang “City Hunter”, na isang action series na pinagbibidahan nina Lee Min-ho at Park Min-young.

Pero ang pumukaw umano ng kanyang atensyon ay ang “Mr. Sunshine”, isang historical drama na pinangungunahan nina Lee Byung-hun at Kim Tae-ri.

“Puwedeng Mr. Sunshine. Kasi after I watched it, parang `yon `yong naka-entice sa akin,” ani Robredo.

Binanggit na rin niya ang “Descendants of the Sun” na isang war drama at love story na pinagbibidahan ng mag-asawa na sina Song Hye-kyo at Song Joong-ki.

“Gusto ko talaga siya. Gusto ko ’yung twists and turns,” sabi ni Robredo.

Nang tanungin paano niya naisisingit ang panonood ng K-drama sa kanyang mga schedule, sinabi ni Robredo na napapanood niya ito habang nasa biyahe out-of-town.

Pero aminado siyang natigil ang panonood nang magkaroon ng pandemya sa COVID-19 dahil sa dami ng gagawin.

“I’ve watched a couple of shows ngayong pandemic pero hindi na kasing sigasig than before,” kuwento pa ni Robredo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.