Abante Tonite Interactive

VP Leni bibigyan ng tip ni Lacson sa war on drugs

0 189

Nakatakdang magkita sina Vice President Leni Robredo at Senator Panfilo Lacson para pag-usapan kung papaano matutulungan ang gobyerno sa kanilang laban kontra iligal na droga.

Nauna nang nagpahayag si Lacson ng kahandaan na ibahagi kay Robredo ang kanyang nalala­laman at karanasan sa law enforcement matapos niyang tanggapin ang alok na pamumunan ang war on drugs ng pamahalaan.

Itinalaga ni Duterte si Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasunod ng pagpuna nito sa kanyang kampanya laban sa droga.

Nang tanunging kung nakahanda ba si Robredo na makinig sa kanyang suhestiyon, sinabi nitong, “Yes. We are fixing our schedule to sit down.”
“I am grateful and humbled by her gesture. More than that, it shows her sincerity and seriousness in tackling her new task,” dagdag pa ni Lacson, dating pinuno ng Philippine National Police noong panahon ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

Si Lacson ay isa sa mga senador na pumuri kay Robredo sa pagtanggap nito sa anti-drug post.

“Kudos to Vice President Robredo. I take my hat off to her for accepting the daunting challenge,” ani Lacson.

“Nobody in this world cannot be incapable of accomplishing a task as long as he or she puts his or her mind and conscience into the job,” dagdag nito. (Dindo Matining)