Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni bilib sa diskarte ni Eleazar

0 570

Nakatanggap ng papuri mula kay Vice President Leni Robredo si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar dahil sa ipinakita umano nitong diskarte ng pamumuno sa kapulisan.

“Tingin ko si Eleazar is making all the right steps. Una, sa pagsabi na gagawan namin ng paraan, hindi makakalusot nang hindi pinapatawan ng penalties or punishment `yong mga hindi maayos ang paggawa,” pahayag ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Kaugnay ito sa pinaigting na kampanya ni Eleazar para mawalis at maparusahan ang mga pasaway na pulis.

Malaking bagay din aniya ang ginawa ni Eleazar na binigyan ng pagkakataon ang Department of Justice (DOJ) para makita ang mga rekord ng PNP ukol sa mga isinagawang anti-drug operation, partikular ang 61 kaso kung saan may nakitang pananagutan ang mga nasasangkot na pulis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.