Abante Tonite Interactive

VP Leni bilib sa tadhana; Mayor Sara sumandal sa dasal

Sa 2022 presidential race:

305

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na nakaguhit sa tadhana ang magiging kapalaran niya sa politika sa harap ng mga naglulutangang espekulasyon sa nakatakda umano nilang pagsasabong ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo ng bansa sa 2022.

“Iyong kasaysayan natin, nagpapakita na hindi ito napapaghandaan. Maraming nagbalak, pero kapag para sa iyo ito, magiging sa iyo; kapag hindi talaga ito para sa iyo, kahit anong gawin mo, hindi sa iyo ibibigay,” ayon sa Bise Presidente.

Hindi umano pumapasok sa kanyang ulo na siya ang ­magiging pinakamatinding kalaban ng presidential daughter para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Kapag inisip umano niya ito, sasabog ang kanyang atensyon sa trabaho niya bilang Bise Presidente at ang bibigyan na lang niya ng focus ay kung paano magpapaganda ng imahen sa publiko.

“Kapag 2022 iyong iisipin ko, ang parati ko nang konsiderasyon ay iyong eleksyon. Kapag ang konside­rasyon ko eleksyon, parati na sigurong magiging requirement ko, dapat pupuntahan namin na mga community maraming botante, dapat iyong pupuntahan naming community hindi sa­yang sa oras,” paliwanag ni Robredo.

Diskarte naman ni Mayor Sara, daanin sa dasal ang desisyon kung sasabak sa presidential race sa 2022.

“We’re on a prayer journey meron ipinagdadasal na personal,” wika ni Sara sa ambush interview sa Claveria, Cagayan bago ito tumulak patungong Santiago City, Isabela kahapon.