Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni bilib sa tapang ni Frankie

0 469

Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang katapangan at lakas ng loob na maghayag ng kanyang saloobin sa mga kontrobersyal na isyu sa lipunan ang 19-anyos na si Frankie na anak nina Senador Francis Pangilinan at megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang lingguhang radio program na `Biserbisyong Leni’, sinabi ni Robredo na dapat tularan ng mga kabataan ang panganay na anak nina Pangilinan at Cuneta dahil sa murang edad ay kaya nitong ipaglaban ang kanyang paninindigan kahit umani pa ng mga pagpuna at batikos.

Tinukoy ni Robredo ang isang tweet ni Frankie na hindi aniya basehan ang kasuotan ng isang babae para bastusin at gawing oportunidad sa pang-aabuso o rape.

Kinampihan ni Robredo ang paniniwala ng anak ng megastar na hindi kasalanan ng babae na maging biktima ng rape dahil lang sa nagsuot ito ng damit na sexy.

“Frankie, very powerful ang sinabi mong parang, `Stop teaching girls how to dress, teach people not to rape,’ dito kasi sa atin may mindset talaga na kasalanan ng babae na ma-rape sila. Hindi na inisip na kahit nga mga sanggol pa o matandang-matanda na nare-rape pa,” sabi pa ni Robredo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.