Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni binanatan mga `nega’ sa ayuda

0 316

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na iresponsable at wala sa lugar ang mga bumabanat sa mga community pantry organizer pati na ang mga nag-uugnay sa mga ito sa kilusang komunista.

Ayon kay Robredo, sa halip na pasalamatan ay hinahanapan pa umano ng diperensiya ang mga taong tumutulong sa kanilang kapwa ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Napaka-misplaced. Instead na maging thankful na merong isang bata pa na nakaisip ng napakahusay na activity, hinahanapan pa ng diperensiya. Napaka-misplaced, napaka-irresponsible `yong ginagawa ng ibang mga opisyal ng pamahalaan, na sa panahong gaya nito, eh ‘yan ang iniisp nila,” pahayag ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Binigyang-diin pa ni Robredo, na bukod sa tulong na ibinibigay ng mga community pantry, nabuhay rin ang “sense of community” ng mga mamamayan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.