Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni binara sabog na diskarte ng IATF

0 164

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gumawa ng pinag-isang pahayag sa mga polisiya kontra COVID-19 upang hindi maging dahilan ng pagkalito at panic ng mga tao.

“`Yong IATF dapat sana isang announcement lang. Dapat `yong announcement ng IATF, `yon na `yon, kasi `yon pinag-usapan. Pero kung kanya-kanyang agency gumagawa ng kanya-kanyang announcement, talagang malilito ang mga tao,” pahayag ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Nagbiro pa si Robredo na dapat umanong gumawa ng Viber group ang mga miyembro ng IATF bago magpalabas ng kautusan sa publiko.

Ipinahayag ito ni Robredo matapos na magkagulo ang mga tao at sumugod sa mga vaccination site isang araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Matatandaang nauna ng sinabi ng Malacañang na hindi dapat isisi sa kanila ang pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination site.

“`Yon ang lesson sa atin. Kapag nako-compromise ang kalusugan ng tao, mag-ingat sa sinasabi natin kasi kapag nag-cause ng panic, iba ang pag-respond ng tao,” paliwanag ni Robredo.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.