Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni binutata si Andaya

0 334

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na bukas pa rin siya sa pagtakbo sa 2022 presidential elections.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Robredo na wala pa siyang desisyon kung tatakbo na ba siya bilang gobernador sa Camarines Sur.

“Wala pang desisyon na ako’y tatakbong gobernador,” ayon kay Robredo. “Nananatili akong bukas na maging kandidato sa pagka-Pangulo.”

Siniguro ni Robredo na ipaaalam sa lahat ang kanyang balak sa oras na makapagdesisyon na siya.

Ang pahayag ni Robredo ay kasunod ng panayam kay dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. kung saan ay nakausap umano nito ang Vice President at pagiging gobernador aniya ang target ni Rbredo sa 2022.

“Pasensya na po mahal na mahal ko si Leni, gusto ko ring presidente siya pero kita niyo ang galaw niya mismo papunta siyang gobernador. Kahit magalit kayo sa akin suportahan niyo na lang siya,” sabi ni Andaya. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.