Abante Tonite Interactive

VP Leni, Bongbong mga daldalero, pinagmulta

3,817

Pinatawan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ng tig-P50,000 multa ang kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa paglabag sa gag order na inisyu noong Abril 2018.

Ang multa ay bilang pagtalima ng dalawang kampo sa sub judice rule ng PET. Sa sub judice rule, ang parehong partido ay pinagbabawalang magsalita sa publiko hinggil sa merito ng kanilang kaso habang dinidinig pa ito.

Sa resolusyon ng PET noong Pebrero 13, 2018 inatasan nito ang magka­bilang panig na sundin ang sub judice rule habang dinidinig ang kaso. Muling pinaalalahanan ng PET ang dalawang kampo sa pamamagitang ng isang resolusyon noong Marso 20, 2018.

Abante Hiring – IT dep

Noong Abril 1, 2018 ay nagpalabas ang PET ng show cause order sa dalawang kampo matapos magbigay ng impormasyon sa media tungkol sa sensitibong impormasyon sa isinasagawang recount ng boto ng dalawa noong 2016 vice presidential elections.

Si Marcos ay naghain ng protesta noong ­Hunyo 29, 2016 sa alegasyong dinaya diumano sila ng kampo ni Robredo sa halalan nang taong ding iyon.