Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni: Cha-cha wrong timing

0 58

Hindi pabor si Vice President Leni Robredo sa tinutulak na Charter change (Cha-Cha) na tinawag nitong “wrong timing” ngayong may COVID-19 pandemya.

Sabi ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo, makabubuting magpokus muna ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya sa halip na atupagin ang pagtutulak sa Cha-cha.

Sang-ayon si Robredo na mayroong problema sa party-list system sa bansa na isa sa puntirya ng nilutang na Cha-cha subalit hindi nito nakikitang dahilan para amyendahan ang Saligang Batas ngayong may pandemya.

SM food to go Banner Ad

“Dapat iyong solusyon natin sasagot kung bakit nagkakaganito, hindi iyong papadaanin sa isang bagay na i-oopen up mo iyong pagbago ng Konstitusyon, na napakadelikado saka wrong timing pa,” aniya pa.

Samantala, pursigido umano ang supermajority bloc sa Kamara na tapusin ngayong 2021 ang debate sa Cha-cha.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, kapag naplantsa ang Cha-cha ngayong taon ay ihaharap ito sa ratipikasyon ng mamamayan kasabay ng eleksyon sa 2022. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.