Abante Tonite Interactive

VP Leni ‘di iisnabin ang SONA

By
1,858

Sa kabila ng mga pa­tutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte ay walang plano si Vice President Leni Robredo na isnabin ang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 23.

Ayon kay Robredo, obligasyon niya bilang ­Pangalawang Pangulo ang dumalo at makinig sa sasabihin ng Pangulo kaugnay sa estado ng bansa.

“Dadalo ako siyempre. Isa iyon sa mga obligasyon natin bilang Pangalawang Pangulo,” ayon kay Robredo.

Abante Hiring – IT dep

Naniniwala si Rob­redo, na mahalagang pa­kinggan ang iuulat ng Pangulo sa sambayanan upang malaman kung ang mga sinabi nito sa kanyang mga nagdaang SONA ay naisakatuparan at may nakitang resulta.

“Iyong pinakaunang SONA, iyon iyong parang pag-set ng targets. Iyong pinakaunang SO­NA ng Pangulo, pag-set ng targets. Iyong mga susunod na SONA, dalawang mukha na iyon. Iyong una, pag-report kung ano na iyong nangyari doon sa mga targets na sinet, naabot na ba iyon?” ayon kay Robredo.

Bukod dito, ayon pa sa Pangalawang Pangulo­ ay kailangan rin marinig mula sa Pangulo kung ano pa ang ibang aspi­rasyon at hinahangad nito para sa bansa.

Minsan nang magka­roon ng lamat ang re­lasyon ng Pangulo at ni Robredo dulot na rin sa mga salungat na posis­yon ng huli.

Kamakailan ay sina­bihan ng Pangulo si Robredo na walang kakayahan o incompetent.