Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni hinamon ni Roque sa solusyon ng COVID-19

0 121

Hinamon ni Presidential Spokesman Harry Roque si Vice-President Leni Robredo na maglabas ng solusyon sa COVID-19 maliban sa bakuna at gamot kung mayroon itong ibang alam na solusyon sa problema sa COVID.

Ang hamon ni Roque ay kasunod ng kritisismo ng pangalawang Pangulo sa ginagawa ng gobyerno na paglaban at pagtugon sa problema sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Roque na kung makakapaglabas si VP Leni ng solusyon ay posibleng maging Presidente ito ng bansa.

“Hinahamon ko po si VP Leni, kung mayroon siyang solusyon na walang vaccine at wala pa ring gamot, sabihin po niya dahil sigurado po ako baka ngayon din maging Presidente siya kung makahanap siya ng solusyon habang walang bakuna at walang gamot,” ani Roque.

Naunang inihayag ni VP Leni na hindi umano sapat ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa problema sa COVID-19 at tila kuntento na sila sa mga ipinatutupad na hakbang laban sa COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.