Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni hinanapan si Briones ng bagong report

0 143

Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo ang Department of Education (DepEd) tungkol sa updated na kalagayan ng edukasyon sa bansa kaugnay ng sinabi ni Secretary Leonor Briones na luma ang inilabas na datos ng World Bank (WB).

Matatandaang kamakailan ay inilabas ng WB ang resulta ng mga educational assessment na nilahukan ng bansa kung saan lumabas na kulelat ang mga mag-aaral na Pilipino sa mga importanteng asignatura.

Gayunpaman, pinalagan ito ni Briones dahil luma umano ang inilabas na datos at marami na ang nangyaring pagbabago sa sektor ng edukasyon sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, tinanong ni Robredo kung ano ang bagong datos base na rin sa pahayag ni Briones.

“Iyong pagsabi ng DepEd na luma iyong data, wala silang binigay na bago. So ako iyon ang hinahanap ko, ano kaya iyong bago?” tanong ni Robredo.

“Kasi kapag lumabas iyong bago dun natin makikita kung saan ang improvement, kung meron,” aniya. “Sana magkaroon ng parang update based on the latest data para mas alam natin kung saan tayo ngayon,” dagdag pa ni Robredo. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.