Abante Tonite Interactive

VP Leni humirit ng mapayapang protesta vs China

By
2,597

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang sambayaang Filipino na makiisa sa mapayapang protesta kontra sa paghari-harian ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Pangalawang Pangulo, nakakaalarma na ang umiiral na banta sa soberenya ng bansa kung kaya’t napapanahon na upang nararapat kumilos ang sambayanan.

Ito na umano ang panahon upang iprotesta sa mapayapang paraan ang mga pagkilos upang limitahan ang galaw sa ating pag-aaring karagatan gayundin ang pagtutol sa military buildups sa WPS.

Ayon pa kay Robredo, ang desisyon ng Pilipinas na isuplong ang China sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay maituturing na isang pagpapakita ng determinasyon at tunay na katapa­ngan ng bansa.

Ngunit, ayon kay Robredo, nakakalungkot lamang na sa kabila ng tagumpay at pabor na desisyon para sa bansa ay nabewala at nauwi ito sa wala.