Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni kuwentas klaras sa mga donor

0 69

Transparency.

Iyan ang dahilan ni Vice President Leni Robredo kaya kaliwa’t kanan ang kanyang photo ops at live video sa pinupuntahang mga lugar para maghatid ng tulong.

Sagot ito ni Robredo sa patutsada umano ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo nag-iikot siya para magmukhang mas may ginagawa kaysa sa national government.

Giit ni Robredo, ito ang paraan para ipakita sa mga donor kung saan napupunta ang mga ibinibigay nilang tulong sa Office of the Vice President.

“If I was spending my own money I don’t have to be very transparent about it, `yong accountability sa akin lang,” paliwanag niya.

Giit pa ni Robredo na wala silang kabuntot na media sa pag-iikot para maghatid ng tulong.

Dahil limitado ang budget ng OVP umaasa sila sa donasyon na marami naman ang bumubuhos para may maipamigay sa mga sinalanta ng bagyong `Ulysses’.

Nabatid na umabot na sa mahigit P55 milyon ang cash donation sa OVP. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.