Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni magpapabakuna sa harap ng publiko

0 364

Ipakikita ni Vice President Leni Robredo sa publiko ang gagawin nitong pagpapabakuna laban sa COVID-19 upang mapalakas ang kumpiyansa ng taumbayan.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, noon pang isang taon ay nagpahayag na ang Bise Presidente ng kanyang intensyon na magpabakuna bago pa man ang naging hamon ni Senador Bong Go na pabakuna ito kontra COVID-19 kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layon aniya ni Robredo na hikayatin lahat ng Pilipino na magpabakuna rin laban sa COVID-19.

Sabi pa ni Gutierrez, nais ni Robredo na bigyang prayoridad ng gobyerno ang dalawang bagay: siguruhing ligtas, epektibo at mabisa ang bakuna at tiyakin na lahat ng Pilipino ay matuturukan nito.(Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.