Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni mas bet maging CamSur gov

0 52

Nagpahiwatig si Vice President Leni Robredo na mas nanaisin niyang tumakbo sa lokal na pamahalaan kaysa sa pagka-pangulo ng bansa sa May 9 2022 elections.

Gayunman, idiniin ni Robredo na maaari pa ring magbago ang kanyang desisyon at ituloy ang paglahok sa presidential race kapag natiyak niyang handang-handa siya sa susuunging laban.

Malalaman umano ang magiging desisyon ni Robredo sa Setyembre bago magsimula ang filing of candidacy.

Kaugnay nito, sinabi ni Robredo na aminado naman ang oOposiyon na bukod sa kakulangan ng pondo para maglatag ng malawakang kampanya, kailangan din nilang makumpirma ang bulto ng kanilang mga tagasuporta na tutukod sa kanyang kandidatura.

Dahil dito kung kaya’t pinag-aaralan pa niya kung alin sa pambansa at lokal na posisyon ang kanyang tatakbuhin lalo na at may tatlong grupo na kumakausap sa kanya para hikayatin ang panganay na si Aika para tumakbo sa pagka-gobernador sa Camarines Sur.

“Ay, kung puwede raw si Aika kumandidato ng governor, ang sabi ko bakit si Aika? Bakit hindi ako?” pag-amin ni Robredo.

Ayon kay Robredo, kung siya ang masusunod ay mas prayoridad niya ang lokal.

“Alam kong may obligasyon ako sa national. Alam ko na maraming naghihikayat sa akin. Iyong mga kakampi at least naghihikayat sa akin mag-presidente. So parating iyon pa rin iyong default. Siguro magde-decide lang akong mag-lokal kapag sigurado na akong hindi ako kakandidato sa national,” dagdag ni Robredo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.