Abante Tonite Interactive

VP Leni nagbayad ng P50K multa sa pagpatol kay Marcos

By
1,505

Nagbayad na si Vice President Leni Robredo ng P50,000 multang ipinataw ng Suprem­e Court na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) dahil sa paglabag sa ‘gag order’ sa kanila ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ang kabayaran ay bilang tugon sa PET resolution na pag­paparusa kay Robredo at Marcos matapos nilang pag-sapan sa publiko ang naka­binbing election protest na isa umanong paglabag sa sub judice rule.

Nabatid na si Marcos ay unan­g nagbayad ng kanyang multang P50,000 noong Hulyo 11.

Abante Hiring – IT dep

Una nang pinagbawalan ng PET ang dalawa na huwag ­pag-usapan sa publiko ang merito ng kaso.

Sinabi ni Romulo Ma­calintal­, abogado ni Robredo, nagbayad na ng multa ang Bise Presidente sa kabila na hindi sinabi ng PET kung ano ang mga pahayag na sinabi nila na nag-resulta ng paglabag nila sa sub judice rule.