Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni nagpaturok ng AstraZeneca

0 265

Nagpaturok na rin ng bakuna si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na nagpaturok siya ng unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City.

Sinabi ni Robredo na nagpabakuna na siya nang sabihin ng kanyang staff na pasok sila sa A3 category dahil lahat sila ay may comorbidity.

“Done with my first dose of the vaccine. Now being monitored,” sabi ni Robredo.

Nabatid na may hypertension si Robredo.

Kaugnay nito, hinimok din ni Robredo ang publiko na magpabakuna para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 infection. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.