Abante Tonite Interactive

VP Leni nakapuntos vs Bongbong

By
1,706

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na nakabatay sa 25% threshold o one-fourth shading sa balota ang pagtukoy sa balidong boto noong May 2016 National Elections.

Ito ang isinumiteng komento ng Comelec sa Korte Suprema, umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), kaugnay sa electoral protest sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at Dating Senador Bongbong Marcos kung saan pinagtatalunan ang isyu ng shading sa balota.

Ayon sa Comelec, naka-configure ang mga election machine sa 25-% threshhold, “The chosen techno­logy — optical scanning technology — apprecia­tes votes or non-votes according to how it is configured to that at least about 25-% (when seen by human eyes) of the oval for each candidate. All election results are based on this threshold,” bahagi ng komento ng Comelec.

Layunin umano ng panuntunang ito ng Comelec na matiyak na walang nasasayang na boto dahil sa kulang na shading sa balota at para matiyak na hindi rin nabibilang ang mga aksidente at maliliit na marka na nasa balota.

Ang 25% shading ang ginamit din umano ng Comelec sa Random Manual Audit at ang panuntunang ito ang ginagamit din ng poll body sa recount at revision process.

Sa inilabas na posisyon ng Comelec, sinabi ni Robredo na luma­labas lang ang pagiging sinungaling ni Marcos.

Kung matatandaan ay iginigiit ng kampo ni Marcos na dapat gamitin ang 50 percent threshold sa manual recount dahil ito umano ang itinakda ng Co­melec.