Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni nakulangan sa distance learning

0 89

Lampas isang taon na buhat nang magsimula ang pandemya ngunit hindi pa rin kumbinsido si Vice President Leni Robredo sa mga hakbang ng gobyerno sa distance learning.

Ayon kay Robredo, kailangan na magkaroon ng pagbabago sa mga polisiya tungkol sa pag-aaral ng mga estudyante dahil limitado pa rin ang face-to-face class.

“`Yong accessibility, ito talaga `yong dapat na tutukan. Kasi halimbawa ngayon, wala pa rin tayong face-to-face, so papaano?” tanong ni Robredo. “`Yon pa rin bang dati? Wala bang parang improvement sa dating ginawa natin na modules?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sang-ayon naman diumano si Robredo sa modular learning ngunit kailangan ng mga bata ay ang mas hands-on na pagtuturo.

Pinuna rin ni Robredo ang pagharang noon sa kanilang inisyatibo na community learning hub.

“Last year, naging controversial ang aming community learning hubs kasi my pagkontra `yong DepEd, et cetera, et cetera, pero sa amin, buti nalang tinuloy namin,” ayon kay Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.