Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni namudmod ng materyales sa e-Skwela

0 167

Inilunsad ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang Bayanihan e-Skwela Instructional video series na layuning bigyan ng ayuda ang mga guro at magulang sa distance learning.

SM food to go Banner Ad

Ang laman ng mga video ay sa YouTube channel na OVPBAYANIHANeSKWELA, at maaari rin itong mapanood sa Facebook Page ng Bayanihan e-Skwela. May kasamang caption ang video na maaaring mabasa sa ilalim nito at puwede ring i-download para magamit.

Ginawa umano ang mga video instructional material sa tulong ng mga academic expert, production house, at iba pang miyembro ng entertainment industry na nagboluntaryo ng kanilang serbisyo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.