Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni `no other love’ maliban kay Jesse

0 156

NO other love.

Ganyan inilarawan ni Vice President Leni Robredo ang estado ng kanyang lovelife kung saan sinabi niyang kahit walong taon na ang nakakalipas nang mamatay ang asawa na si dating Interior Secretary Jess Robredo.

Para kay Robredo, wala nang iba pa siyang mamahalin kundi ang yumaong asawa.

Tumagal ng 25-taon ang kanilang kasal bago namatay sa plane crash ang kanyang asawa noong 2012.

“I’ve been blessed with the best husband. Tingin ko hindi na ako magiging masuwerte ulit… I’ve had enough love to last me a lifetime,” sinabi ni Robredo sa panayam sa radyo.

“Number 2, sa dami ng trabaho ko, may panahon pa ba akong mag-date? Sa akin, unimaginable for me — kahit hindi ako VP — to still be with another person. Hindi ko ma-imagine to be with somebody else,” dagdag niya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.