Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni: PH dehado `pag kinausap China

0 302

Hindi sang-ayon si Vice President Leni Robredo na magkaroon ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China para plantsahin ang isyu sa West Philippine Sea.

“Matagal na pong pinapahayag ng mga eksperto na hindi makatutulong sa bansa natin ang bilateral talks with China kasi napakaliit natin kumpara sa kanila. Parang `di magiging patas, `di patas `yong standing,” pahayag ni Robredo sa kanyang programa sa radyo nitong Linggo.

Para kay Robredo, magiging patas lang aniya ang pag-uusap kung mayroong kakampi ang Pilipinas na kapareho ng ipinaglalaban ng bansa.

Nais ni Robredo na mas maraming bansa ang sangkot sa pag-uusap kaysa Pilipinas at China lang ang maghaharap lalo pa at pinanghahawakan aniya natin ang desisyon ng arbitral tribunal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.